first time
Tuesday, April 26th, 2005Sa tinagal tagal ng internet sa balat ng lupa, ngayon ang unang beses sa talambuhay ko na magsusulat ako ng blog. Marami mang samut saring ideyang tila gamugamong lumiliapd lipad sa loob ng aking makapal na bungo, karamihan ay naglalaho na lamang, nalilimutan sa paglipas ng panahon. Sinubukan ko dating mag-journal, paro hindi rin naituloy dahil sa pagka-ningas kugon. Kaya ngayon, muli kong susubukang hulihin ang mga gamugamo at idikit sa corkboard ng internet, bago kusang malagasan ng pakpak, huminto sa paglipad, at bumagsak sa lupa, kung saan sila’y pupulutin at ililipad ng hangin, o ng walis ng janitor kinaumagahan. Maging malaya nawa ang sinumang malasing bumasa na ito’y dagdagan, okrayin, salungatin, kagalitan, atbp.