back from the dead
Wednesday, May 16th, 2007dean+juls+white wine+dark beer = a return to sanity. guys, i owe you one.
ps: lynette!!!! you should have been there!!
dean+juls+white wine+dark beer = a return to sanity. guys, i owe you one.
ps: lynette!!!! you should have been there!!
Long distance relationships are like yoyo diets. Alternate cycles of feast and famine. Binge and starve, binge and starve.
There are short, blissful hours, days, (if you’re lucky, weeks) that overflow with sweet words and kisses, movie dates and leisurely walks; when you cuddle and giggle and hold hands as if the world might end tomorrow. And end it does, with a drought that leaves your heart barren and desolate as you struggle to survive on occasional phone calls and text messages. Never quite enough. But certainly better than nothing.
Thank goodness for ICT. The world gets smaller. Distances get shorter. It’s like you’re almost there. But not really. The tinny voice on the receiver, the blurry picture on the LCD screen: these are mere dextrose IVs and tube-feeds. They don’t tickle your tastebuds or satisfy your sweet tooth. But they do keep you alive. Sort of. At least until the next feast comes around and your heart can binge again.
Minsan sa mga kalye at eskinita ng ating buhay, mapapansin mo nalang na may nagdeposito ng kayamanan sa sa gitna ng daan. Isang malaking tumpok ng taeng mainit-init, basa, malambot, at malata. Higit sa lahat, may amoy itong tunay namang makaahon-sikmura, na siyang hudyat sa paglusob ng libo-libong langaw. Pusang galang impaktita. Sinong damuhong ang nag-iwan nyan diyan? (Siyempre pag ang nalaglag sa daan ay pera o relo o cellphone, pinag-aagawan ito. Pero pag tae, walang gustong umamin na iyon ay kanya. Kawawang nilalang. Malamang nangungulila siya.)
Sa totoo lang, hindi na mahalagang malaman kung kaninong puwitan nanggaling ang natural na yaman. Ang mahalaga ay dakutin at linisin ito bago pa may makaapak nito at magkalat ng tae sa ibang bahagi ng daan.
Pero minsan ay nakakatamad o nakakapandiring magdakot at maglinis ng tae sa mga kalye at eskinita ng ating buhay. Minsan nga hindi natin alam na may tae pala sa daan. Kaya napapabayaan nalang natin itong langawin at mabulok.
Wag mag-alala. Oo, sa ngayon ay mabaho yan at nakapandidiring tignan. Pero sa paglipas ng panahon — sa pagsikat ng araw at pagbuhos ng ulan, sa sama-samang pagkilos ng mga mikrobyo at bulati– unti-unti ring mawawala ang kalat at baho, at bumabalik ito sa alabok. Darating din ang araw, ni hindi mo na maalalang minsan ay may kalamay sa gabukan.
Hari nawa. Dahil ang buhay ay puno ng tae.