kalamay sa gabukan

Minsan sa mga kalye at eskinita ng ating buhay, mapapansin mo nalang na may nagdeposito ng kayamanan sa sa gitna ng daan. Isang malaking tumpok ng taeng mainit-init, basa, malambot, at malata. Higit sa lahat, may amoy itong tunay namang makaahon-sikmura, na siyang hudyat sa paglusob ng libo-libong langaw. Pusang galang impaktita. Sinong damuhong ang nag-iwan nyan diyan? (Siyempre pag ang nalaglag sa daan ay pera o relo o cellphone, pinag-aagawan ito. Pero pag tae, walang gustong umamin na iyon ay kanya. Kawawang nilalang. Malamang nangungulila siya.)

Sa totoo lang, hindi na mahalagang malaman kung kaninong puwitan nanggaling ang natural na yaman. Ang mahalaga ay dakutin at linisin ito bago pa may makaapak nito at magkalat ng tae sa ibang bahagi ng daan.

Pero minsan ay nakakatamad o nakakapandiring magdakot at maglinis ng tae sa mga kalye at eskinita ng ating buhay. Minsan nga hindi natin alam na may tae pala sa daan. Kaya napapabayaan nalang natin itong langawin at mabulok.

Wag mag-alala. Oo, sa ngayon ay mabaho yan at nakapandidiring tignan. Pero sa paglipas ng panahon — sa pagsikat ng araw at pagbuhos ng ulan, sa sama-samang pagkilos ng mga mikrobyo at bulati– unti-unti ring mawawala ang kalat at baho, at bumabalik ito sa alabok. Darating din ang araw, ni hindi mo na maalalang minsan ay may kalamay sa gabukan.

Hari nawa. Dahil ang buhay ay puno ng tae.

3 Responses to “kalamay sa gabukan”

  1. John Paulo Says:

    sa dami ng tae sa ating buhay, minsan, hindi natin napapansin na ta(o)e rin tayo…akala ko dati, puro tae yung nakikita ko. Yun pala, tae din ako sa kanila…
    wow…ang sarap mag-dinner nito…hmmmm

    sana nga po, lumipas na ang panahon- bumuhos ang ulan at tuyuin ang taeng nakahambalang hanggang maging tustado at malutong ito. pagkatapos, nawa’y daanan siya ng limandaang trak na tumitimbang ng isandaang-libong tonelada para mapipi at madurog. hanggang sa panahong iyon, na ang tae ay di na muli pang makikita, ako’y maglalagi sa loob ng sarili kong kubeta at doon ibubuhos (ihuhulos) ang lahat ng taeng iniipon ko. sana maubos sila. sana talaga. ^^

  2. Izabel Says:

    SSSSSHHHHHEEEEEEETTTTTT!!!! hahaha!

  3. Mike Says:

    grabe, sarap!

    very appetizing and timely!
    :D

Leave a Reply